may ngiti ang araw

jaz,

hello! kamusta ka na? naalala mo pa ba noon nung malungkot ka tapos madalas pa tayo nagkokontakan. sinabi ko sayo, “ok lang yan, bukas ngingitian ka ulit ng mundo” or something similar? wala lang naalala kita kasi ako naman ang malungkot. siguro hindi kasing lalim ng rason mo, o baka mas malalim ewan ko. basta sobrang lungkot ko lang nitong mga nakaraang araw. kabiguan as usual.

hindi na ako masaya sa trabaho ko pero kailangan ko mag stay. gusto ko umuwi ng pinas pero di ako makauwi kasi may trabaho ako, may mga kailangan akong bayaran; ang oto ko, ang credit cards ko,ang nanay ko. kaputahan!

kailangan kong umalis dito sa kinaroroonan ko, kahit saglit lang. parang tinatakbuhan ko ang problema ko no? actually di ko alam kung problema ba talaga. siguro tinatakbuhan ko ang kalungkutan ko, as if pag balik ko wala na sya na parang bula. tao siguro ang tinatakbuhan ko. siguro nga. ang labo ko na. naisip kita, kasi malungkot ako, kasi naalala ko yung sinabi ko sayo. sana maalala ko yon tuwing malungkot ako, na bukas ngigitian ulit ako ng tadhana at ngingiti ulit ako.

ingat ka lagi.