may ngiti ang araw

jaz,

hello! kamusta ka na? naalala mo pa ba noon nung malungkot ka tapos madalas pa tayo nagkokontakan. sinabi ko sayo, “ok lang yan, bukas ngingitian ka ulit ng mundo” or something similar? wala lang naalala kita kasi ako naman ang malungkot. siguro hindi kasing lalim ng rason mo, o baka mas malalim ewan ko. basta sobrang lungkot ko lang nitong mga nakaraang araw. kabiguan as usual.

hindi na ako masaya sa trabaho ko pero kailangan ko mag stay. gusto ko umuwi ng pinas pero di ako makauwi kasi may trabaho ako, may mga kailangan akong bayaran; ang oto ko, ang credit cards ko,ang nanay ko. kaputahan!

kailangan kong umalis dito sa kinaroroonan ko, kahit saglit lang. parang tinatakbuhan ko ang problema ko no? actually di ko alam kung problema ba talaga. siguro tinatakbuhan ko ang kalungkutan ko, as if pag balik ko wala na sya na parang bula. tao siguro ang tinatakbuhan ko. siguro nga. ang labo ko na. naisip kita, kasi malungkot ako, kasi naalala ko yung sinabi ko sayo. sana maalala ko yon tuwing malungkot ako, na bukas ngigitian ulit ako ng tadhana at ngingiti ulit ako.

ingat ka lagi.

Advertisements

4 thoughts on “may ngiti ang araw

  1. tangina kai bakit mo ko pinapaiyak sa sulat mo? oo naalala ko yung sinabi mo sakin noon, parati kong tinatandaan yon.

    siguro mejo baligtad tayo ngayon, kaya ako naman ang magsasabi sayo na kung hindi man bukas, sa isang araw ngingitian ka ulit ng mundo.

    may lungkot parin ako pero kasali yon sa buhay e, di naman pwedeng parating masaya kase abnormal yon. kaya naman kung anumang saya ang nararamdaman natin paminsan-minsan kahit konti lang yon ipunin parin dahil pag pinagsama mo kahit papano madami na rin yon.

    mag iingat ka parati at miss na rin kita huy!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s